Ang Community Extension and Services at Student Discipline Office ng Philippine College of Criminology (PCCR), sa pakikipagtulungan ng mga Junior Police Officer, ay matagumpay na nagsagawa ng programang “Barangay Ko, Bantay Ko” sa Barangay Macabud, Rizal.

JPOs, kasama si ROTC coordinator Melfe Diola, patungo sa Brgy. Macabud.

Sa naturang programa, ang PCCR team ay namahagi ng tulong, kumumusta sa mga residente, at nagsagawa ng seminar hinggil sa mga kursong inaalok ng PCCR, pati na rin sa kahalagahan ng kursong Criminology sa paglilingkod sa bayan. Umabot sa 80 community beneficiaries ang natulungan at nabigyan ng impormasyon kaugnay ng mga oportunidad sa edukasyon at mga programang makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.

Ang programa ay naisakatuparan sa tulong at pakikiisa ng mga opisyal ng Barangay Macabud, sa pangunguna nina Brgy. Chairman Juanito Catayoc at SK Chairman Harold John Feo, na mainit na tumanggap sa PCCR at aktibong nakipagtulungan para sa tagumpay ng proyekto.

Iilan sa mga beneficiary ng programang “Barangay Ko, Bantay Ko

Sa pamamagitan ng “Barangay Ko, Bantay Ko”, pinatutunayan ng PCCR ang dedikasyon nito sa pagbubuo ng matibay na ugnayan sa komunidad, pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa pampublikong kaligtasan, at paghuhubog ng mga mag-aaral sa larangan ng Criminology na may malasakit, integridad, at handang maglingkod sa bayan.

Sourced from: Official Philippine College of Criminology

PCCR
Privacy Overview

This website uses cookies so that we can provide you with the best user experience possible. Cookie information is stored in your browser and performs functions such as recognising you when you return to our website and helping our team to understand which sections of the website you find most interesting and useful. Click Here for Privacy Policy